Monday, September 15, 2014

CNN 4-A media service caravan: Breastfeeding month celebration 2014, idinaos sa Lucena City

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Set. 12 (PIA) --Umabot sa 110 mga buntis, 36 na mga nagpapasusong ina  at 56 na barangay nutrition scholars ang dumalo sa isinagawang Media Service Caravan: Breastfeeding Month Celebration na inilunsad ng National Nutrition Council Communicator’s Network for Nutrition in Region IV-A sa isinagawang pagbisita sa lungsod ng Lucena kamakailan sa Event Center ng SM City.

 Ang Media Service Caravan: Breastfeeding Celebration 2014 ay pinangunahan nina Ms. Carina Z. Santiago, RNPC, Ms. Lourdes Bulante, NO III, Ms. Mary Mei Javier at Ms. Hannah Cristina Clemente, NO I, habang ang mga miyembro naman ng Communicators Network for Good Nutrition ay pinangunahan ni Ms. Janet Buelo, presidente ng CNN-IV-A at mga Public Information Officers mula sa Binan City, Batangas City, Cabuyao City, Dasmarinas City, Lucena City, Quezon Province, Laguna Province, Rizal Province, Sta. Rosa, San Pablo, DZJV, Ronda Balita, Radyo Kaisahan Arya at Radyo ng Bayan-Lucena.

 Ang lahat ng mga information officers ay nagbigay ng lectures upang maipaliwanag ang 10 na mahahalagang Nutritional Guidelines for Filipinos (NGF). Bawat lecturer ay binigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang nutrisyon sa pamamagitan ng tamang diet at pagkain ng ibat-ibang uri ng masusustansyang pagkain, kabilang na ang gulay at prutas at ang pagpapasuso sa sanggol.

 Nauna rito ay ang pagpapaliwanag ni Dra. Maria Teresa Corpuz, obstetrician at gynecologist ukol sa kahalagahan ng tamang pagpapasuso sa sanggol. Base sa 10 Nutritional Guidelines for Filipinos, ang isang bagong panganak na sanggol ay dapat na pasusuhin ng kanyang ina at sa pagsapit nito sa ika- 6 na buwan ay dapat na bigyan ng complementary foods at tuloy-tuloy pa ring pasusuhin hanggang 2 taong gulang o higit pa.

 Sinasabing ang mga bata na nasa edad na 2 taong gulang ay vulnerable sa malnutrition at ang breastfeeding ang pinakamainam na paraan para ma-improved ang child survival. Dapat umano na gawing tsek ang breastfeeding: tama, sapat at eksklusibo ang pagpapasuso ng isang ina sa kanyang sanggol.

 Bukod sa mahahalagang impormasyon, nakinabang din ang mga buntis at nagpapasusong ina sa libreng medical and dental check-up na hatid ng mga doktor at narses mula sa City Health Office at Quezon Medical Association at ang mga buntis naman ay tumanggap ng libreng bakuna ng tetanus toxiod bilang proteksyon sa kanilang panganganak.

 Sa huli ay nagkaroon ng simpleng pakontes na may simpleng papremyo mula sa NNC-IV-A at “game na game” na nag-participate ang lahat kabilang na ang mga BNS.
 Nagpahayag naman ng malaking pasasalamat si  Carina Santiago sa pamahalaang Panglunsod ng Lucena, partikular kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala dahil sa naging suporta nito sa Media Service Caravan, gayundin sa Lucena City Health Office na pinangunahan at dinaluhan ni Dra. Caridad Diamante, CNAO Azenith Ramos at Atty. Sunshine Abcede. (V.McGowan- PIO Lucena/ RMO- PIA-Quezon)

-http://news.pia.gov.ph/index.php?article=701410490317

No comments:

Post a Comment